Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tik Tok ni Aiko, pang-inspirasyon; GMAAC, may pakulo

PINAGKAABALAHAN ni Aiko Melendez ang paggawa ng Tik Tok videos habang break sila sa taping ng Prima Donnas dahil sa Corona virus.

Pero hindi basta aliwin ang sarili o ang kanyang followers ang rason niya sa Tik Tok videos, “It’s my own share of telling the people to smile amidst these challenges This is hope and sulking won’t help us now.

“My Tik Tok account also is an avenue for my fans to see the different side of Aiko. Actuall, ‘yan ang totoong Aiko: kalog and not what I perceive to be on TV.

“I launched Chapee and Aiko duo para makapaghatid ng good vibes sa tao at meron din akong Tik Tok awareness tungkol sa kinaaharap nating krisis ngayon.

“God bless us all!!! Huwag tayong susuko!” pahayag ni Aiko.

Ngayong stay home si Aiko, bonding kasama ang anak, sabay-sabay kumain at magkakasama silang nanonood ng news program.

Siyanga pala, sa mga Tik Tokers, chance na ninyo upang maging bahagi ng GMA Artist Center. Mag-audition online at i-tag ang @ArtistCenter sa caption.

Puwedeng gayahin ang eksena muna sa paboritong pelikula o Kapuso drama. Live sound ang dapat gamitin sa pagkanta huwag gumamit ng filters na matatakpan ang mga mukha!

Hanggang March 27 ang audition.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …