Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emote na jogging ni Angelica, kinastigo ng netizen

PALAISIPAN sa netizens kung sino ang lalaking kasama ni Angelica Panganiban sa ipinost niya sa kanyang IG account na may caption na, “At the top, kakamiss.”

Ang nasabing larawan ay nasa mataas na palapag ng isang building at overlooking ang buong city na maraming ilaw.

Medyo chubby ang lalaking kasama ng aktres at base sa larawan ay hindi naman sila sweet kaya malamang magkaibigan lang sila.

Anyway, mukhang buryong na ang aktres sa ilang araw na community quarantine dahil gusto na niyang lumabas ng bahay para mag-jogging pero bawal dahil ito ang patakaran ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ang tweet ni Angelica nitong Miyerkoles ng madaling araw, “’Yung exercise tulad ng jogging, bawal sa village namin. Malinaw naman ang protocol. Pero pwede ka lumabas para ilakad ang aso, bumili ng grocery. Pero ‘yung pang pa healthy, bawal sa pasig? Patakaran po ba ito ng mayor natin?”

Pinayuhan naman si Angge ng kanyang followers.

Say ni @_ngalheo, “Ate Angel, wala po ba kayong treadmill? Or kahit po yoga mat? Baka pwede sa bahay kayo magwork out para mas safe ka po.”

Ang paliwanag ni @meme09201982, “https://twitter.com/meme09201982“Depende pa rin po yan sa patakaran ng village n’yo po. Hindi lahat nakasalalay sa mayor. Tulad sa isang village dto sa amin bawal na talaga lumabas. Isa lang pwede at kung may bibilhin lang.”

Sinabihan din ni @akosikurt0015 na matigas ang ulo ng aktres, “eto ung isa sa matitigas n may gusto ipaglaban. d makuha ang punto. Sa bahay pede mg jogging. lumanghap ng fresh air sa bahay pede din. Sa bahay b pedeng mmlengke o mg groceryDapat bawal din ilakad ang aso unfair sa gusto mg jogging… peace yow, mula kay @akosikurt0015.”

Ang paliwanag ni @mariagaudium kay Angelica, “Essential po kasi ang pagbili ng grocery – hindi lahat kayang mag-stock ng grocery sa bahay nila. Yun iba kung anong makayanan sa isang araw lang nabibili nila. Yun mag exercise kayang kaya gawin sa loob ng bahay ‘yun.”

Say naman ni @MichikoSenpmLad, “iisang tao lang sa bawat isang bahay ang pwedeng lumabas. Para mag grocery, bumili ng gamot or ilakad ang aso para maka poop. Yung ibang kasama sa bahay talagang bawal lumabas. Yung tao lang na yun din ang pwede mag jogging papuntang grocery at habang pinapa poop ang aso GETSNYO?”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …