TRENDING na naman si Angel Locsin kamakailan sa panawagan niyang donasyong kama at tent para sa health workers na puwedeng gawing half-way house dahil karamihan sa kanila ay hindi makauwi ng tahanan dahil sa kawalan ng masasakyan na paralisado na ang lahat ng pampublikong sasakyan sa buong Metro Manila.
Sa Lakehosre Tent, C6 Lower Bicutan, Taguig City naka-set up ang mga tent at trailer truck para sa restroom at base sa video na napanood namin sa Youtube ay dini-disinfect na ito ng team para anumang oras ay puwede nang gamitin ng health workers at ang contact person ay si Mr. Albert Aguirre, 0999 524 8760.
Hindi lang namin natanong sa common friend namin ni Angel kung pang ilang tao ang kayang i-accommodate ng tents at mga kama, sleeping bags, at free dinner.
Buong pagmamalaking ipinakita ng aktres ang mga matres at unan na galing sa mga nagmagandang loob na may nakasulat na, ‘Miracles happen everyday.’
Caption naman ni Angel sa ipinost niyang litrato ng future husband niyang si Neil Arce, “Operation Day 2 with my rock. #HealTheWorld.”
Umani naman ng 211K likes at 1,328 comments na pawang pinasasalamatan ang aktres dahil sa napakamabilis nitong pagtalima kapag ganitong may kinakaharap na krisis ang bansa.
Ang ilang nabasa namin, “Keep safe Darna! Thank you for being our Darna in all the way.”
Pinaalalahanan ng netizen sina Angel at Neil dahil hindi siya nakasuot ng surgical mask. Sabi ni @crizzyjoe, “Pls be careful of using masks how to use and remove it remember its a fitter meaning there’s a lot of microbes already accumulate in that masks. SO DON’T TOUCH IT when you remove alcoholize 1st ur hand and touch the string one at the side then alcohol hands again after removing masks PROTECTION AND PREVENTION is better than cure.”
Sinagot naman ng aktres ang paalalang ito ni @crizzyjoe, “I know, ibinigay ko na lang po sa mas nangangailangan.”
Nakompara pa si Angel kay Mother Teresa.
Ayon kay @maryannmiranda_usa ay young version ni Mother Teresa ang aktres.
“You are the young Mother Theresa, you are always there to lend a helping hand meron man o walang calamities dinaig mo pa ang mga me posisyon or katungkulan sa government sa pagtulong sa kapwa. ‘Yung ibang me posisyon na matataas na nagtatago sa kanilang bahay (hypocrites). Kapag panahon ng kampanya, ang gagaling nangangapit bahay, nasaan sila ngayon? Meanwhile, here you are todo hirap sa pagtulong sa lahat. Hija, ingatat moa ng sarili mo, please don’t get sick. Thank you @neil_arce for being a good husband, to be supportive to Angel in the sky. Your kindness is contagious, keep inspiring others! Luv you Angel!”
At natawa kami sa komento na, “Legal wife rocks” na sumakto dahil muling ipinalalabas ngayon sa ABS-CBN ang teleseryeng Legal Wife kasama sina Jericho Rosales, JC de Vera, at Maja Salvador.
Habang tinitipa namin ang balitang ito ay abala pa rin sina Neil at Angel sa pag-aasikaso ng tents at iba pang kailangan ng health workers.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan