Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fans nina Coco at Julia, nagdiwang sa muling pagtatambal

MALAMANG na nagdiriwang ang supporters nina Coco Martin at Julia Montes dahil muling ipinalabas kahapon (Lunes) ang teleseryeng pinagsamahan nila, ang Walang Hanggan noong taong 2012 mula sa Dreamscape Entertainment.

Maraming nagsabing bagay na bagay ang dalawa dahil ang ganda ng chemistry nila kaya nabigyan agad sila ng pelikulang kinunan sa Amsterdam at Paris, ang A Moment in Time, noong 2013.

At dahil halatang kinikilig sa isa’t isa sina Coco at Julia ay hindi na sila tinantanan ng lahat kung ano ang tunay nilang relasyon na pareho naman nilang itinanggi pero aminadong gusto nila ang isa’t isa nang matanong sila sa presscon ng Wansapanataym: Yamishita’s Treasures noong 2015.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi na nasundan ang tambalan ng Coco-Juls dahil kung kani-kanino na sila ipinareha na nag-click naman lalo na nang gawin ng aktor ang FPJ’s Ang Probinsyano.

At dahil successful ang FPJAP ay hinihiling din ng karamihan na sana mag-guest si Julia, pero hindi na mangyayari dahil may sariling weekly series na ito, ang 24/7.

Nag-post naman si Julia sa kanyang Instagram account ng ilang litratong pareho silang nakasuot ng puti ni Coco na kuha sa Walang Hanggan teleserye nitong Linggo.

Ang caption ay, “Walang Hanggan bukas na after It’s Showtime.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …