HINDI kailangan ng health workers na kumuha ng accreditation mula sa Inter-Agency Task Force, dahil ang kanilang identification card mula sa Department of Health (DOH) ay sapat na upang hindi sila maharang sa itinayong checkpoints sa ilalim ng enhanced community quarantine laban sa coronavirus 2019 o COVID-19.
Ito ang pahayag ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kasunod ng pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sapat ang Professional Regulatory Commission (PRC) ID o hindi kaya ay ID mula sa mga ospital o establisimiyento na kanilang pinapasukan.
Hindi aniya kasama sa March 26 deadline ang mga health workers.
Ayon kay Nograles, ayaw ng pamahalaan na mahirapan ang healthworkers na kumuha ng ID.
Nagpapasalamat ang pamahalaan sa health workers na ngayon ay tinatawag na “real life heroes.” (CYNTHIA MARTIN)