Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-iikot ni Bistek sa QC, ikinagulat ng netizen

SPOTTED si former Quezon City Mayor Herbert Bautista na nag-ikot sa Barangay Paltok, QC, nitong nakaraang araw.

Nakasuot si Herbert ng camouflage. Isa siyang reserved official ng military eh ginawa niyang umikot bilang bahagi ng responsibilidad niya bilang law enforcer.

Isang Lhen Papa ang nag-upload ng litrato ng pagdalaw ni Herbert.

Saad ng caption niya, “Hindi ko alam ang dahilan niya? Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa? Wala talaga kaming dahilan.

“Pero sa aming mahihirap, sapat na sa amin ang paglaanan kami ng panahon at alalahanin kahit sa ganitong pag-alala lang.

“‘Yung tipong sa oras pa ng mainit na panahon, pumunta siya sa Brgy. Paltok para isipin ang bagay na ito, imbis na mag-antay siya sa kotse at doon nalang mag monitor.

“Mas pinili pa niya na makita kaming lahat (naks keneleg ako!). Pero sa tototo, nakipagkulitan at tawanan pa siya sa mga kapitbahay namin. Kahit sobrang init sa labas.

Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan niya at bakit niya ito ginawa? Hindi ko naman hilig usaping pulitika.

“Basta, sobra ko lang naapreciate ang ginawa niyang pagbaba dito sa aming lugar. Hay nako Mayor Herbert Bautista! Masyado ka naman nanggugulat. Sana sinabi mo para nakapagpahanda ako ng miryenda. Lol.

“Salamat Mayor sa bagay na it. Bahala na po ang Diyos na mag balik sa inyo dahil sa ginawa po ninyong kabutihan sa aming lugar. Keep safe po Sir (Mayor) Herbert Bautista!”

Bumaha ng maraming likes sa netizens ang pagdalaw na ‘yon ni Herbert.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …