Saturday , November 16 2024

Health Sec. Duque negatibo sa COVID-19

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, lumabas ang resulta ng test na ginawa sa kalihim nitong nakalipas na linggo.

Nasa mabuting lagay ngayon si Duque na nananatiling naka-work from home.

Unang inirekomenda ang pagpapa-test sa COVID-19 ni Duque matapos mabatid na ilang beses siyang na-expose sa opisyal ng DOH na nagpositibo sa sakit.

May underlying condition din ang kalihim na asthma at hypertension na mas vulnerable umano sa impeksiyon.

Unang inilinaw ni Duque, wala siyang naramdamang sintomas ng COVID-19, pero nagboluntaryo siyang magpasailalim sa quarantine. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *