Saturday , November 16 2024

‘Emergency powers’ para sa pondong walang ‘mandatory bidding’ isinulong?

KAPANGYARIHANG bumili ng telecom facilities, properties, protective gear, at medical supplies na hindi idaraan sa mandatory bidding ang inihihirit na emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

Ito ang kumalat na impormasyon kahapon.

Bahagi umano ng mga probisyon ng panukalang batas na Bayanihan Act of 2020, idedeklara nina Pangulong Duterte ang isang COVID-19 national emergency na magbibigay sa kanya ng kapangyarihang ‘necessary and proper’ upang isakatuparan ang layunin na makontrol ang virus sa loob ng dalawang buwan.

Nais umanong iabsuwelto sa Government Procurement Act ang: 1) utilities, telecommunications, at iba pang critical services kaugnay ng operasyon ng quarantine centers, medical relief, at ang aid distribution centers and temporary medical facilities.

2) Lease of real property or venue for use to house health workers or serve as quarantine centers, medical relief and aid distribution locations, or temporary medical facilities;

3) Establishment and construction of medical facilities (China erected two insta-hopsitals in two weeks to fight COVID-19).

4) Medical equipment and supplies such as  surgical equipment and supplies;  laboratory equipment and its reagents;  medical equipment and devices; support and maintenance for laboratory and medical equipment, surgical equipment and supplies;  medical supplies, tools, consumables gaya ng alcohol, sanitizers, tissue, thermometers, hand soap, detergent, sodium hydrochloride, cleaning materials, povidone odine, common medicines (e.g., paracetamol tablet and suspension, mefenamic acid, vitamins tablet and suspension, hyoscine tablet and suspension, oral rehydration solution, and cetirizine tablet and suspension) testing kits, and such other supplies or equipment as may be determined by the DOH and other relevant government agencies.”

Matatandaan bago ang krisis sa COVID-19,  napaulat na humihingi ng state guarantee ang negosyanteng kaalyado ni Pangulong Duterte na si Dennis Uy  para sa kanyang bilyon-bilyong pisong uutangin sa mga banko para higit na palawakin ang kanyang mga negosyo.

Kabilang sa mga negosyo ni Uy ang telecommunications ,ang kompanya niyang Dito Telecommunity Corp., at ang partner na China Telecom ang nakasungkit ng prankisa bilang 3rd major telco player.

Kaugnay nito, itinanggi ng Palasyo ang ulat na humirit si Pangulong Duterte sa Kongreso para sa emergency powers, para tugunan ang krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang liham sa Kongreso na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Mecialdea ay nagsasaad na ang kapangyarihan ay kinakailangan upang makagawa ng urgent measures para ipatupad ang national emergency, at hindi ang emergency powers.

Nauna nang pinabulaanan ni Senate President Vicente Sotto III ang umano’y hinihinging emergency powers ni Duterte.

Ani Sotto, kung babasahin ang titulo, walang nakasaad umano na emergency powers.

Ngayong araw, nakatakdang magsagawa ng special session ang Kongreso para ipasa ang panukalang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na i-realign ang pondo mula sa available budget para sa paglaban sa pandemikong COVID-19.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *