Saturday , November 16 2024

Vico Sotto at Isko Moreno, deadma sa trike ban ng Palasyo

DEADMA sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so sa panawagan ng Palasyo na ipagbawal sa kanilang mga siyudad ang pagbiyahe ng tricycle para sa emergency cases at exempted sa travel ban.

Binatikos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang hiling na exemption ni Sotto sa tricycle sa travel ban sa Pasig City dahil maaaring maging dahilan ito ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Malaya, dapat tularan ni Sotto ang ibang lokal na pama­halaan gaya ng Paraña­que City na nagkakaloob ng libreng sakay sa bus para sa health workers.

Lingid sa kaalaman ni Malaya noong Miyerkoles pa nagsimula sa Pasig City ang “free bus ride” na programa ng lokal na pamahalaan para sa exempted personnel gaya ng health workers.

Katuwiran ni Sotto, kailangan pa rin payagan magbiyahe sa kanilang lungsod ang mga tricycle dahil kulang ang mga libreng bus para ihatid ang libo-libong health workers at mga  pasyente na nangangailangan ng treatment gayondin sa emergency situation.

“Nagdarasal din po ako na ‘wag pigilan ng nasyonal na pamahalaan ang pag-operate ng mga tricycle — dahil nakikita po natin sa ating Risk Assessment na mas delikado ang public health situation kung pagbabawalan ang lahat ng tricycle na bumiyahe sa loob ng Pasig.

“Paano na po ang mangyayari kung hindi makasakay ang mga health workers at libo-libong mga pasyente na nangangailangan ng treatment? Palalakarin ba talaga natin nang 5 kilometro ang isang dialysis patient na senior citizen? Ang cancer patient na bagong opera?

“Paano na rin po kung magkaroon ng emergency, lalo sa mga lugar na tricycle lang ang kasya?

“Kahit na may #LibrengSakay tayo, magkukulang ito. Let us also remember that not everyone has access to private cars. Not to mention that sharing private, enclosed, vehicles may actually be more conducive to the spread of the virus; as compared to a tricycle with a maximum of 2 passengers.

“Sana makita po ng mga iginagalang nating lider — na may perspektibo kami sa LGU na maaaring ‘di nakikita mula sa mas mataas. I am not yet even considering the social and economic effects of prohibiting tricycles — we are talking about the potential damage to public health and a possible loss of lives,” ani Sotto sa kanyang FB post.

Kaugnay nito, pinahintulutan din ni Mayor Isko sa Maynila na makabiyahe ang 189 e-trikes para maghatid ng frontliners sa kanilang mga destinasyon.

“189 e-trikes will be deployed for frontliners in Manila, may trabaho at may suweldo!

“Programa po ito ng national government, through Department of Labor and Employment.

“Hatid-sundo ng ating mga doctor, nurse, healthcare workers sa mga public hospital ng Lungsod ng Maynila,” sabi sa FB post ni Moreno.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *