ISA pang Love Thy Woman star na si Sunshine Cruz ay nagsabing may panahon na rin siyang magbasa sa social media na hindi niya masyadong nagagawa noong may tapings dahil pagkatapos ng trabaho ay matutulog na at pagkagising ay aasikasuhin naman ang mga anak.
Kaya lahat ng mga isyu ngayon sa social media ay nababasa na ng aktres at isa nga roon ay ang isyung sinabi ng dating aktor na si Chuckie Dreyfuss na naging girlfriend siya.
Inalmahan na ito ni Sunshine at isang beses lang niya ito gagawin dahil noong muli naming hingan ng komento ay ayaw na niya dahil gusto na niyang mag-move on.
“Ayaw ko na, bahala na siya riyan, God knows my heart and his intentions,” tanging sabi ng aktres.
Oo nga kilala naman si Sunshine sa showbi na lahat ng sinasabi niya ay totoo.
Ito namang si Chuckie, kalalaking tao kung ano-ano pinagsasabi. Buti sana kung totoo, hindi naman pala. Inilagay lang niya ang sarili sa balag ng alanganin.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan