Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Tom Rodriguez

Carla, nag-demand ng pre-nup kay Tom

HINDI itinanggi ni Carla Abellana na nag-demand siya ng pre-nup para sa kanila ni Tom Rodriguez bago sila magpakasal nito.

Praktikal at may personal na kadahilanan ang dalaga para hilingin ito sa kasintahan na hindi naman tinutulan ni Tom.

Halos limang taon nang magkasintahan ang dalawa. Kaya sa edad na 33, handa na si Carla na magpakasal.

Aniya, naniniwala siya na napakahalaga na magkaroon ng prenup agreement ang dalawang magkasintahan na nagbabalak magpakasal.

Isang praktikal na hakbang ito para sa kinabukasan ng mag-asawa at ng kanilang magiging anak.

Inamin ni Carla na nabanggit niya ito kay Tom na kung sakaling dumating ang panahon na sila ay ikakasal na.

Kumbaga, it’s just one way for a woman as well to protect herself, just in case things don’t work well in the marriage,” anang aktres.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …