INIHAYAG ni Health Secretary Francisco Duque III na positibo si Senador Miguel Zubiri sa coronavirus (COVID-19).
Ikinagulat ni Duque ang pagkahawa ni Zubiri na ngayon ay naka-quarantine upang hindi mahawa ang kanyang asawa at anak.
Nagtataka umano si Zubiri, sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawa siya ng COVID-19.
Pinayohan ng Senador ang mga kababayan na mag-ingat at uminom ng vitamins bilang panlaban sa sakit.
(CYNTHIA MARTIN)