Friday , November 22 2024

BoC Ports of Subic & Manila

NAIS kong batiin si Bureau of Customs – Port of Manila District (BoC-POM) Collector Arsenia Ilagan dahil sa kanilang patuloy na serbisyo publiko na ginagawa upang maging maayos ang takbo sa kanilang puerto.

Lahat ng customs division chiefs at mga hepe at examiners ay ginagawa ang kanilang makakaya upang matulungan si Coll. Ilagan na makakolekta ng buwis para sa gobyerno base sa mandato ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Itong nakaraang linggo ay nagbigay ng Advocacy Pin si Commissioner Guerrero dahil pasado ang lahat ng rank and file employees ng POM sa Performance Governance System na tinanggap ni Coll. Ilagan.

Ang pin ay kumakatawan sa milestones ng Aduana dahil ang mga taga-BoC-POM ay masisipag at may paninindigan at mabuting pamamahala.

Kudos POM!

***

Happy Birthday pala sa ating mga kaibigan na masisipag at may mga dedikasyon sa kanilang trabaho na sina Coll. Wilnora Cawile at Nelson Salvanera.

Talaga namang nakabibilib ang kanilang performance at accomplishments sa Bureau of Customs.

Congrats sa inyo at mabuhay kayong dalawa!

***

Noong 8 Marso 2020 inilunsad ang pag­diriwang para sa International Women’s Day na may temang “I am Generation Equality: Realizing Women’s Rights.”

Ito ay pandaigdigang pagdiriwang ng mga kababaihan sa kanilang mga nagawa at naiambag sa panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at pampolitikang aspekto ng lipunan.

Ang Bureau of Customs – Port of Subic ay pinamumunuan ni District Collector Maritess Martin sampu ng kanyang kasamahan sa Port of Subic ay nakibahagai sa nasabing International Women’s Day at ipinakita ang kanilang lakas bilang mga babae sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang espesyal na suot na damit noong nakaraang Biyernes.

Ipinakita nila ang adbokasiya ng Port of Subic na “Gumagawa Kami ng Pagbabago Para sa Babae” bilang patunay na ang mga kalala­kihan at kababai­han ay pantay na kinikilala.

Sa pangunguna ng lady collector, kasama ang lahat ng koponan ng kababaihan na sina Deputy Collector for Assessment Division, Ms. Maita Acevedo, Chief of Formal Division; Ms. Belinda Lim, Chief of Informal Division; at si Atty. Aileen Tortoles, ng Port of Subic ay nagawang tumama sa buwanang revenue target nito sa buong taon ng 2019.

Happy International Women’s day Port of Subic!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *