Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Movies Cinema

Regal, Viva, Reality tigil shooting muna

NAGKAISA ang Regal EntertainmentViva FilmsReality Entertainment, Star Cinema at iba pang film producers na tigil-shooting muna ng mga pelikulang ginagawa.

Pahinga rin muna ang network war sa Channels 2 at 7.

Ang health at safety ng manggagawa ang pangunahing layunin ng film producers at network executives  dahil sa lumalaganap na Corona virus.

May magandang epekto pero may masama rin lalo na sa tinatawag na project employees na kung walang project eh walang kita, huh!

Isang malaking movie nga sana ang papatapos na dahil two days na lang ang natitirang shooting. Big scenes ang naiwang kukunan at ‘yung mga mamahaling equipment na gagamitin eh naikasa na.

Eh kanselado ang shoot. Napakiusapan ang may-ari ng mamahaling gamit na huwag munang bayaran ang rental nito hanggang hindi pa nagiging normal ang lahat!

Sa nangyayaring ito, protektado nga ang kalusugan ng tao, paano naman ang pang-araw-araw nilang pangangailangan at ng umaasa sa kanila?

Ang magagawa na lang ng lahat eh, magdasal, sumunod, at kumapit sa Diyos para mapagtagumpayan ng pama­halaan ang kautusan nilang ito!

Narito ang kabuuang statement ng Regal at Viva ukol sa tigil shooting.

Statement ng Regal: ”On behalf of Regal, sadly, we need to postpone all scheduled shootings from March 15 until situation permits or until community quarantine ends or gets lifted. Stay safe everyone.”

Statement ng Viva: ”Viva has temporarily suspended production of its various movie, television and special projects effective March 13, 2020.

This is in line with the declaration of a community quarantine.

We recognize the severity of the effects of Covid-19 and that the safety and health of our industry’s workers, their families and the public should be of primary concern.

Stay safe and blessed everyone.”

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …