Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahil sa COVID-19 pandemic… Guesting ng Sawyer Brothers sa DZRH Tambayan Sessions naudlot

Ready na sanang kantahan ng magkapatid na Kervin at Kenneth ng Sawyer Brothers ang kanilang fans sa naka-schedule nilang radio guesting nitong March 15 sa DZRH Tambayan Sessions na napapakinggan at napapanood every Sunday sa DZRH TV.

Full coverage kasi ang DZRH sa kaganapan sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 pandemic kaya kinansela ang lahat ng kanilang entertainment shows. Matutuloy naman daw ito kapag maayos na ang sitwasyon kaya huwag raw mag-aalala ang kanilang mga tagahanga ayon kay Kervin.

Marami pala ang nagagandahan sa version ni Kervin ng kantang “Pagsubok” na unang pinasikat ng Orient Pearl. Akma ito sa panahon ngayon ng crisis na nagpa-panic ang mga Pinoy dahil sa sunod-sunod na kaso ng coronavirus sa bansa.

Tagos sa puso ang pagkakaawit ng nasabing singer at makare-relate ang lahat sa lyrics ng nasabing kanta. Pino-promote pa rin ng Sawyer Brothers ang mga song nilang 45(Kwarenta Singko) at ang Ghosting.

Patuloy na nagpapasalamat sina Kervin at Kenneth sa walang sawang suporta at pagmamahal sa kanila ni Dovie San Andres na sincere ang pagtulong sa kanilang singing career.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …