Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cardo at iba pa ‘di muna mapapanood, 100 Days to Heaven, OTWOL ibabalik

NAUNANG inanunsiyo ng ABS-CBN na pansamantala nilang ipinahihinto ang lahat ng kanilang live programs at tapings ng teleserye  gayundin ang Star Cinema na hinto rin ang lahat ng shootings nila ng iWant at mga pelikula.

Nabahala ang TFC subscribers na patuloy na sumusubaybay sa kanilang mga paboritong programa ng ABS-CBN kung ano ang ipalalabas at kung magre-replay ba.

Base sa naunang official statemeng ng ABS-CBN tungkol sa kanilang programming.

“ABS-CBN is temporarily suspending the staging of its live entertainment shows and production of its teleseryes starting Sundays (March 15) in compliance with the government’s declaration of a community quarantine and ban on mass gatherings to contain the spread of COVID 19.

“The company is taking the initiative for the safety and health of our artists, crew, production teams, their families, and the general public.

“While the measure in place, ABS CBN will continue to serve our audiences by bringing back well-loved shows to help provide inspiration, hope, and upliftment.

“We assure the public that ABS-CBN will continue to bring the latest news and information through out TV and radio newscasts and digital platforms, especially at this time when the country is facing a public health crisis.

“We thank our Kapamilya viewers for their understanding and continued support.”

Ilang oras lang ang pinalipas at muling nagpalabas ng direktiba ang management ng Kapamilya Network na muling ibabalik ang mga programang 100 Days to Heaven, May Bukas Pa, On The Wings of Love at I Am U kapalit ng FPJ’s Ang Probisyano, Make it With You, A Soldier’s Heart, at Pamilya Ko.

Narito ang pahayag ng ABS-CBN.

“Gaya ng una naming ipinahayag, itinigil muna ang taping ng lahat ng mga teleserye bilang pagsunod sa mga patnubay ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19 outbreak at para sa kaligtasan ng lahat.

“Hindi muna natin makakasama si Cardo Dalisay at ang mga paborito ninyong karakter sa teleserye sa primetime block ng ABS-CBN.

“Simula sa 16 Marso 2020, muli naming ipalalabas ang mga teleseryeng minahal ng mga Pilipino at ieere ang isang iWant original series para pumalit sa mga programa namin sa gabi.

“Ang Pamilya Ko ay papalitan ng teleseryeng 100 Days to Heaven nina Coney Reyes, Jodi Sta. Maria at Xyriel Manabat para magbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

“Magbabalik naman si Bro sa primetime sa May Bukas Pa kasama si Zaijian Jaranilla bilang kapalit ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Ang Make it with You ay papalitan ng hit romantic comedy series nina Nadine Lustre at James Reid na On The Wings of Love.

“At ang A Soldier’s Heart ay papalitan ng mystery thriller na I Am U, ang iWant original series ni Julia Barretto mula Marso 16 hanggang 20.

“Tinitiyak namin sa aming mga manonood na pansamantala lamang ang mga pagbabagong ito.  Ibabalik namin ang regular programming ng ABS-CBN kapag bumuti na ang sitwasyon at sigurado kaming hindi malalagay sa alangan ang kaligtasan at kalagayan ng lahat.

“Ang mga paborito nating teleserye ay patuloy na magbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa inyo, mga minamahal naming Kapamilya.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …