Saturday , July 19 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Manunuhol’ dapat ipahuli, at asuntohin ni Sen. Dick Gordon

INAMIN ni Blue Ribbon Committee chairman Senador Richard Gordon sa panayam sa senado na tinangka siyang suhulan ng Rodriguez group kapalit ng pagpapatigil ng pagdinig sa anti-money laundering law o pagpasok ng milyon-milyong dolyares ng naturang grupo sa paliparan na hinihinalang pera ng mga Chinese national na puma­pasok sa bansa.

Ayon kay Senator Gordon, lumapit sa kanya ang isang kaibigan upang sabihin ang inaalok na P20 milyones para sa kanya ng Rodri­guez group at P5 milyon naman para sa Philippine National Red Cross (PNRC) na tinanggihan ng senador.

Sabi ng senador, lumapit ang mga abogado ng Rodriguez sa kanyang kaibigan upang ialok ang naturang halaga para ihinto ang pagdinig.

Pagdududahan pa ba natin ang kredebilidad ni Senator Gordon?!

Siyempre hindi.

Pero sana pagkatapos ng kanyang pagbubunyag, ipahuli ni Senator Gordon ang mga manunuhol, sampahan ng kaso at ipakulong.

Sa ganang atin, hindi ito simpleng krimen kundi tahasang pambabastos sa institusyon at komiteng kinakatawan ni Senator Gordon.

Hindi natin alam kung saan sila nanghihiram ng lakas ng loob para bastusin nang ganito katindi ang ating mga  mambabatas.

Pera-pera lang ba talaga ang labanan?

And by the way, kaibigan ba talaga ni Sen. Gordon ang tumulay?!

Bakit?!

Kung tunay na kaibigan iyon, sana’y tumulong siya para masalakab ang mga manunuhol.

Mantakin ninyo, taksan-taksang dolyares ang pinalulusot ng mga tsekwa na nakalulusot sa Anti-Money Laundering Council (AMLC)?

Magtataka pa ba tayo kung bakit namamayagpag kahit mga ilegalistang service providers ng mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa?!

Service provider kuno pero lumalabas ay pasok din sa online gaming?! Kung nasalakab ni Sen. Gordon ‘yang mga ‘manunuhol’ na ‘yan, malaking bentaha sana ‘yan para mabuyangyang ang operasyon ng mga prehuwisyong POGO.

 

CASINO
SABUNGAN
DAPAT
I-LOCKDOWN

Ngayong, narito na sa bansa ang ‘salot’ na coronavirus 2019 o COVID-19, ang dapat na unang i-lockdown ng mga awtoridad ay mga casino at mga sabungan.

Ang casino at sabungan ngayon sa ating bansa ay dinarayo na rin ng mga dayuhan kaya hindi malayong mapasukan sila ng mga kontaminado ng COVID-19.

Sa sabong, talsikan nang talsikan ang laway diyan lalo kapag nagkakasahan ng mga tayaan.

O, hindi ba’t ang COVID-19 ay nakahahawa mula sa droplets ng laway?!

Sa casino at sabungan, naglipana ang mga tao riyan at halos nagkakadikitan ang mga katawan kaya mas delikadong kumalat ang COVID-19.

E baka sa rami ng mga dayuhang dumarating sa bansa, sila pa ang makinabang sa libreng testing kits ng COVID-19.

Ay sus!

Kaya kung planong mag-lockdown ng pamahalaan, unahin ang casino at sabungan.

Please lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

May pinagtatakpan?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY kakatwang nangyari nitong Linggo ng umaga: dalawa sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ang tagubilin ni FC Dir. Fernandez sa Bohol firefighters

AKSYON AGADni Almar Danguilan “IBALIK natin sa kanila ang magandang serbisyo!” Iyan ang tagubilin ni …

Sipat Mat Vicencio

Kung iuuwing bangkay si Digong… sibak si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio ‘BUTO’T BALAT’ na lamang ngayon ang pangangatawan ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Aksyon Agad Almar Danguilan

PR, photo ops ni Romualdez bumabaha, para saan?

AKSYON AGADni Almar Danguilan PANSIN n’yo ba na halos araw-araw ay may mga lumalabas na …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Simbolismo laban sa batas: Ano ang ibig sabihin ng panawagan ng Senado na pauwiin si Duterte mula sa ICC?

PADAYONni Teddy Brul KAMAKAILAN, nilagdaan ng tatlong senador ang isang resolusyon na nananawagan ng agarang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *