MATINDI pala ang nangyari sa lead star ng Love Thy Woman na si Kim Chiu na pinagbabaril ng dalawang riding in tandem ang kanyang van sa Katipunan Ave., nitong Miyerkoles.
Ayon kay Kim nang mangyari ang insidente, dapat raw ay magbabasa siya ng script, pero dahil inantok ay natulog siya. Tapos nagising ang actress sa putok ng baril at paglingon niya ay may nakita siyang isang bala sa windshield. Agad raw niyang kinumusta kung okay ang kanyang driver at PA kasi butas din ‘yung windshield sa driver seat, salamat at maayos naman daw sila.
Walang maisip na kasalanan si Kim at siya pa raw ang magkakaroon ng kaaway. Naka-hang raw si Kim no’ng mga oras na iyon pero minabuti pa ring magpasundo sa isa pang driver para pumunta sa taping ng pinagbibidahan nilang teleserye ni Xian Lim na Love Thy Woman.
Nag-shoot siya ng dalawang eksena at pagkatapos ay umuwi na. Grabe, ang propesyonalismo ng actress na kung sa iba nangyari ay baka nagpaospital at umuwi ng bahay.
Ang nakagaan ng loob kay Kim ay ‘yung more than 100 text messages at mga tawag na tinanggap mula sa fans at iba pang taong nagmamahal sa kanya. Isang malaking milagro ang nangyari kay Kim na iniligtas ng Itaas at ng kanyang namayapang ina na nagsisilbi niyang guardian angel sa heaven.
Marami ang nakikisimpatiya sa nangyari sa kanya at ‘yung exclusive interview ng actress kay MJ Felipe ng TV Patrol ay humamig na ng almost 4 million views. Pinasasalamatan pala ni Kim ang ilang bigwigs ng ABS-CBN na umaalalay raw sa kanya. May lawyer na rin siya at iniimbestigahan na rin ang nangyari sa shootout sa kanyang sasakyan.
“Bahala na lang ang Diyos sa dalawang riding in tandem na ‘yun,” sabi ni Kim na malaki ang paniniwala na biktima lang siya ng maling akala dahil iba ang target ng mga namaril.
Jc Garcia, may malaking offer sa Amerika
Nang maka-chat namin lately si Jc Garcia ay sinabi niyang kinalimutan na niya ang nangyari sa nakaraang SRO Valentine concert nila ni Yolanda sa Fort McKinley sa South San Francisco, California. Nagkausap na raw sila ng Bff niyang singer at tumawag ito sa kanya at nagpaliwanag. Walang masamang tinapay para kay Jc kaya patuloy ang maraming blessings.
Isa na rito ang magandang offer sa kanya, na nakatakda siyang mag-perform sa malalaking venue sa iba’t ibang lugar sa San Franciso at siya ang magiging lead vocalist ng bandang iyon. Bukod sa bagong proyekto, aba, active na active rin si Jc sa number one online sing-along na Smule.
Ang matindi, ilang kilalang foreign singers na tulad ni American singer-songwriter Jason Derulo na kumanta ng Swalla, Wiggle Marry Me etc., and Grammy Award recipient Charlie Puth, isang American singer and songwriter din na nagpasikat ng Attention, Call Away atbp., ang interesado kay Jc.
Ayon sa kaibigan naming recording artist-choreographer-radio anchor (Jc), nae-enjoy niya ang pagkanta sa Smule at marami na rin siyang supporters na nagre-request maka-duet siya dahil idol siya nila.
Tuloy-tuloy rin ang promotion ng single ni Jc na “Paalam,” most requested song sa kanyang weekly (every Monday) internet radio show na “It’s Showtime” na napapakinggan at napapanood sa Fil-AM Radio sa buong mundo.
Throwback Segment ng Eat Bulaga na Doble Kara mas nag-level up Na
Bago pa sumikat si Marcelito Pomoy, dekada 80s pa lang ay naging popular na ang “Doble Kara” sa Eat Bulaga. Pero ang labanan noon ay Lypsinc ng singer na may dalawang katauhan (babae at lalaki). Ngayong 2020 sa pagbabalik ng nasabing throwback segment sa Bulaga ay nag-level-up na ito.
Yes live singing na at mapahahanga ka sa contestants daily ay dalawa ang magkalaban. Tulad noong March 3 episode matindi ang competition sa pagitan ng mga kalahok na sina Roldan Bonayon, 35 years old ng Albay na kinanta ang When I Fall In Love, samantala ang Broken Vow naman ang binirit ni Resty Torres Ferrab, 25 anyos, ng Antipolo City.
Habang nagpe-perform ang dalawa ay ipina-flash sa video wall ang kanilang mga larawan at fabulous ang make-up sa babaeng katauhan. Tumataginting na P25K ang cash prize na matatanggap ng daily winner na doble ang galing sa kantahan at may gift pack mula sa Young’s Town Sardines.
Sina Dabarkads Pia Guanio, Maine Mendoza, at Paolo Ballesteros ang hosts ng Doble Kara plus Allan Ka and Jose Manalo.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma