Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian, suportado ang pagiging tomboy ng anak

TANDA namin noong naging aktibo ulit sa showbiz si Ian Veneracion ay ayaw niyang pag-usapan masyado ang pamilya niya dahil gusto niyang ilayo sila sa showbiz, pero hindi nangyari dahil sa katagalan ay nagkuwento na rin siya tungkol sa mga anak na kasa-kasama niya sa sports activities.

Tatlo ang anak nina Ian at Pam Gallardo—dalawang lalaki at isang babae—sina Duccio, Deirdre, at Tristan Draco na sinusundan ang yapak niya pagdating sa hobbies.

May revelation sina Ian at anak niyang babae na si Deirdre o Dids sa guesting nila sa Magandang Buhay nitong Miyerkoles. Suportado ng aktor ang anak nang malamang lesbian o tomboy ito.

Kuwento ni Ian na siya na ang nagprisintang magdetalye kung paano nag-open sa kanya si Dids ng sexual preference.

“Kinakalikot ko ‘yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary eyed.

“Sabi niya ‘Daddy, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also I like girls.’

“So parang nagtataka siya, sabi niya, ‘It’s okay?’ Sabi ko, ‘Yes. Just don’t be ever apologetic about it, not even to me.’ Sabi ko, ‘You can be whoever you want to be and I have full support.

“Natawa siya. Sabi niya, ‘You know?’ Sabi ko, ‘Oo naman, bata ka pa  ang macho mo na.’ So alam ko na rati pa.

“Nakapanghihinayang lang isa lang ang buhay natin. Tapos kapag nabuhay ka parang apologetic ka pa na nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. Parang what a waste of life.”

Noong una ay hindi pa alam ng asawa niya dahil baka iba ang maging reaksiyon kaya sinubukan niyang tanungin.

“Sabi ko sa kanya, ‘Paano kapag nagka-boyfriend si Dids, okay lang?’ ‘Okay lang.’ ‘Paano kung magka-girlfriend si Dids, okay lang?’ Sabi niya, ‘Kung saan siya masaya, masaya ako.’ So she has full support of the whole family,” kuwento ng proud daddy.

Sobrang naging idol ni Dids ang daddy Ian niya kaya lahat ng kilos at gusto nito sa buhay ay ginaya niya.

At natatawa pang sinabi ni Ian na sobrang suportado niya ang anak dahil siya pa ang nagpapayo na i-text at i-date ang babaeng gusto nito, “tinuturuan ko kung ano ang dapat gawin.”

Anyway, mukhang nakikinita namin na iba ang karakter na ginagampanan ni Ian sa teleseryeng Make it with You bilang amang supportive pero hindi niya ipinakikita kay Gabriel (Enrique Gil) dahil gusto nitong matutuhan ang hirap ng buhay kaya lagi niyang tsina-challenge ang binata.

Bagay na hindi naman alam ni Gabo dahil ang pagkakilala niya sa ama ay masamang tao at may mga ginagawang hindi legal kaya sa mga kliyente nila ay lagi niyang sinasabing, “I’m not my father.”

Sa tunay na buhay naman ay ipinagmamalaki si Ian ng tatlong anak sa pagiging open nito sa lahat ng bagay.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …