TINITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi kawalan sa bansa kung mawawala o tulu-yang ipasasara ang Phi-lippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa pagdinig ng senado ukol sa alegasyon ng pag-labag sa anti-money laun-dering matapos mabuking na nagpapasok ng milyon-milyon dolyar sa paliparan ang mga Chinese national na dumarating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Off-shore Gaming Operators (POGO).
Paliwanag ni Gatchalian, noong taon 2016 ay walang POGO sa bansa at patuloy ang pag-angat ng Gross Domestic Product kahit dumating ang POGO noong 2017.
Aminado si Gachalian, ang tanging epekto nito ay mababakante ang mga condominium dahil mawa-wala ang mga nakatirang Chinese national na empleyado ng POGOs.
Iginiit ni Gatchalian, tanging PAGCOR lamang ang kumikita rito ng P6 bilyon pero wala naman pakinabang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Kung tutuusin aniya mas abonado pa tayo dahil sa mga gastos sa pagpapatupad ng mga criminal law na dulot ng prostitution, kidnapping, human trafficking at money laundering na inanak ng POGO at mga Chinese national.
Nang tanungin si Gatchalian ukol sa pagpapasara ng POGO, para sa kanya mas mabuting ipatigil muna ang operasyon hangga’t walang safeguards na magagawa ang gobyerno.
(CYNTHIA MARTIN)