NAALARMA ang Palasyo sa ulat na may 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang kasalukuyang nasa Filipinas.
Isiniwalat kamakalawa ni Sen. Panfilo Lacson na nakatanggap siya ng report na may 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng PLA ang nasa bansa at maaaring nasa immersion mission.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatitiyak siya na kumikilos ang militar upang beripikahin ang impormasyon ni Lacson.
“I’m sure the AFP is already validating that given that it is being reported by no less than a senator of the Republic,” ani Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Nauna rito, inihayag ni Sen. Richard Gordon na posibleng nakapasok sa POGO ang intelligence operatives ng People’s Liberation Army (PLA) ng China dahil may nakitang PLA identification cards ng dalawang Chinese na nagbarilan sa Makati City kamakailan. (ROSE NOVENARIO)