MALABO pa ang kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza kung pagbabasehan ang nakaraang pahayag ni Meng nitong nakaraang 25th birthday niya.
Sa tanong ni Nelson Canlas kay Meng na ipinalabas sa 24 Oras, may mga nauna pa siyang mga kapatid na may plano ring kasal.
Ayon kay Maine, “By the time na makasal ‘yung dalawa kong kapatid, okay na rin for me to settle down. Before I turn 30 siguro.
“When I turn 28 or 29 so that’s three or four years from now, malayo pa,” saad ni Meng.
Puwede nang kumawala sa pagiging single si Maine lalo na’t lima na ang branches ng kanyang global food chain.
Hindi naman siya breadwinner ng pamilya at hindi rin niya bread and butter ang showbiz, huh!
I-FLEX
ni Jun Nardo