IGINISA ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon ang opisyal ng Anti-Money Laundering Council ( AMLC) sa isinagawang pagdinig ng senado ukol sa sa alegasyon ng paglabag sa anti-money laundering matapos mabuking na nagpapapasok ng milyon-milyong dolyar sa paliparan ang mga Chinese national na du-marating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Offshore Gaming Opera-tors (POGOs).
Sa pagdinig, inamin ni Atty. Mel Georgie Racela, Executive Director ng AMLC na nakatanggap sila ng report na umaabot sa 2.7 milyong Yen, at 215 milyong Hong Kong do-llars ang pumasok noong 2019 na dala ng mga Chi-nese national na pumapa-sok bilang POGO emplo-yees at service providers.
Samantala, sinabi ni Gordon, base sa kanyang nakuhang report simula Setyembre 2019 hanggang 5 Marso 2020 umabot sa 633 milyong dol-yares o P32 bilyon ang pumasok na hinihinalang ‘laundering.’
Sinabi ni Bureau of Custom (BoC) Commis-sioner Rey Leonardo Guer-rero kanilang ini-report sa AMLC ang naturang ano-malya na nadiskubre ngu-nit walang naging aksiyon ang AMLC.
Dahil dito ginisa ni Gordon si Racela kung bakit tila natutulog sa kangkungan at hindi agad ipinaaresto ang naturang mga Chinese national.
Paliwanag ni Racela, nagsasagawa sila ng imbestigasyon ukol sa naturang report na hindi naman kinagat ni Gordon.
Iginiit ng senador, anong ebidensiya pa ang kailangan ng AMLC samantala matibay na ilang transaksiyon ang nagaganap sa paliparan na may paglabag sa anti-money laundering law.
Samantala, pinuna ni Senadora Imee Marcos ang paliwanag ni Racela sa naturang pagdinig.
Ayon kay Marcos, hindi siya kontento sa naging paliwanag ni Racela at tila nagpapalusot ito sa pagpapabaya sa kanyang trabaho.
(CYNTHIA MARTIN)