Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mistaken identity? Kim Chiu inambus sa Kyusi

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang aktres na si Kim Chiu makaraang paulanan ng bala ng riding-in-tandem ang kanyang sasakyan habang papunta sa taping, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District, P/BGen. Ronnie Montejo, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dakong 6:15 am, nang maganap ang pana­nambang sa sasakyan ni Chiu sa harap ng  UP Town Center sa kanto ng Katipunan Ave., at CP Garcia Ave., Barangay UP Campus, QC.

Sakay ang aktres ng kanyang kulay itim (bullet proof) Hyundai H350 (GAF 6474) na minamaneho ng kanyang driver na si Wilfredo Taperla, kasama ang personal assistant ng artista.

Ayon kay Taperla, papunta sila sa taping nang sandaling huminto ang kanilang sasakyan sa kanto ng Katipunan Ave., at CP Garcia Ave., dahil pula ang ilaw ng traffic light sa lugar.

Makaraan, pinag­babaril ng isa sa lalaking sakay sa motorsiklo ang sasakyan ng aktres bago tumakas patungong Katipunan Avenue.

Dahil bullet proof ang sasakyan, hindi tumagos ang bala sa salamin kaya nakaligtas ang aktres maging ang dalawang kasama niya.

“‘Di namin napansin na may putukan sa likod. Dito pala sa amin pinatama. Kami pala ang pinaputukan,” pahayag ni Taperla.

Samantala, sa Instagram ng aktres, kanyang sinabi na wala siyang alam na nakaaway at naniniwalang biktima lamang siya ng ‘mistaken identity.’

“I don’t have an idea (of) what really happened. Mistaken identity, I guess? Napagtripan? This is a bad joke,” pahayag ng 29-anyos aktres.

“Paano kung itinuloy kong magbasa ng script? I was so scared, I don’t know what to feel right now,” isinulat pa ng aktres sa kanyang Instagram.

“Wala naman akong kaaway or kaatraso. Kung sino man ang gumawa nito, Diyos na ang bahala sa inyong dalawa,” dagdag ni Chiu.

Kaugnay nito, bumuo ang QCPD ng Task  Force Kim para matutukan ang kaso.

Ayon kay Montejo, kinuhaan ng imbestigador ng salaysay ang aktres maging ang dalawang kasama niya habang kumakalap ng mga saksi sa pinangyarihan ng insidente na posibleng makakikilala sa mga suspek.

Nakipag-ugnayan na rin ang QCPD sa MMDA at iba pang establi­siyemento sa lugar na may CCTV na posibleng nakunan ang pangyayari upang gamiting ebiden­siya at makatutulong sa ikalulutas ng insidente.

Hindi pa kombinsido si Montejo sa naging pahayag ni Chiu sa social media na posibleng pananakot ang intensiyon ng mga suspek dahil kapag may namaril ay malinaw na may inten­siyon na pumatay.

Ani Montejo, bago ihayag ng pulisya na isang mistaken identity ang insidente, magsasa­gawa muna sila ng masusing imbestigasyon.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …