Saturday , December 21 2024

Namantikaan sa ‘pastilyas’ at VUA raket nagtuturuan

MATAPOS ituro na siya ang ‘protektor’ ng mga tiwaling opisyal at empleyado sa Bureau of Immigration (BI) sa nabulgar na ‘Pastillas’ raket, binuweltahan ni dating Department of Justice (DOJ) secretary Vitaliano Aguirre II si columnist cum Special Envoy to China Ramon Tulfo at kapatid na si Wanda Tulfo-Teo, dating kalihim ng Department of Tourism (DOT).

Bagama’t umamin si Aguirre na siya ang naglabas ng Department Circular 41, na mas kilala sa tawag na visa upon arrival (VUA), ito ay bunsod umano ng pangungulit sa kanya noon ng nasibak na kalihim ng DOT, aniya:

“As a matter of fact, I did that through follow ups and coordination with Tulfo’s sister, [former Tourism] Secretary Wanda Teo. She did nothing but talk to me during Cabinet meetings [to push for it] so the performance of the Department of Tourism would improve.”

Sinabi rin ni Aguirre, may iba pang mga ahensiya ng gobyerno – na ‘di niya tinukoy – ang nagtutulak na mapagkalooban ng pribilehiyo ang mga Intsik sa ilalim ng VUA.

Ang hindi natin alam ay kung isa sa mga ahensiya ng gobyerno na hindi pinangalanan ni Agurirre ang Department of Foreign Affairs (DFA) na noo’y pinamumunuan ni kasalukuyang House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ang “Proposal to Outsource Visa Processing for Chinese Tourists” marahil ang tinutukoy ni Aguirre na ating ibinulgar sa pitak na ito noong 28 May 2018.

Nakapaloob sa nasabing panukala ang “Visa outsourcing raket” na ang pakay ay maisapribrado ang pagkakaloob ng visa para sa mga dayuhang Intsik na makapasok sa bansa.

Bago masibak na kalihim sa DOT, si Tulfo-Teo ang umano’y ‘ninang-sponsor’ at nagrekomenda sa DFA sa maanomalyang kasunduan na noo’y isinubo ng isang pribadong travel agency – ang Shanghai Ever Bright Town International Travel Service Co. Ltd. (SEBTITSCL).

Ayon sa report, ang kompanyang SEBTITSCL na rekomendado umano ni Teo ay may record na nasangkot sa malaking sindikato ng credit card scam.

Para maiswak ang naimbentong raket, ginawa nila na malaking problema ang paglobo ng bilang ng mga turistang Intsik dahil ang issuance ng visa ay hindi makakayanang gampanan ng mga konsulado natin sa China dahil sa kakulangan ng mga tauhan.

Ni hindi nila naisip na para na rin nilang ipinamigay nang libre ang kasarinlan ng bansa sa sandaling ipagkatiwala sa pribado ang pag­kakaloob ng visa sa mga dayuhan – at nagkatotoo nga ang ating pangamba noon.

Ngayon ay sila-sila na ang naglalabasan ng kanilang mga itinatagong baho, gayong pare-pareho naman silang nakinabang. Ang masama lang, nakaamba ang malaking panganib sa bansa at mamamayan dahil sa naimbentong VUA at visa outsourcing.

Gobyerno na mismo ng China ang nagbunyag na maraming mamamayan nila na may criminal record ang nakapasok at kasalu­kuyang dito naghahasik ng lagim sa bansa.

Katunayan, kinansela na ng China ang pasa­porte ng mga kriminal na Tsekwa na nakinabang sa VUA at pinapasok ng BI sa bansa.

Pero hindi sila mga karaniwang turista, kung ‘di pawang ilegal na nagsisipagtrabaho bilang empleyado ng mga salot na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na binasbasan ng Philippine Amusemnent and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ilalim ng administrasyon ni Pres. Digong.

Ang nakapagtataka, kahit pa bansang China na rin mismo ang unang nakiusap na ipasara ang mga POGO ay walang keber ang ating gobyerno.

Simple lang ang mga solusyon na dapat gawin ng administrasyon ni Digong: 1) Ipawalang bisa ang VUA; 2) Ipasara ang mga POGO; 3) Agad ipasalang sa lifestyle check lahat ng opisyal at empleyado ng BI na sangkot sa Pastillas raket, sibakin silang lahat sa serbisyo at kasuhan; 4) Sibakin si Comm. Jaime Morente sa BI sa pagiging incompetent; at 5) Maglunsad ng malawa­kang crackdown laban sa mga Intsik na nakapasok sa bansa sa bisa ng VUA at ipatapon pabalik sila sa China.

Tapos ang kuwento!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *