PUWEDENG masabing lucky charm si Miles Ocampo kapag festival.
Aba, matapos mapasama sa December filmfest na Write About Love, heto at pumasok sa walong finalist sa unang Summer Metro Manila Film Festival ang pelikulang The Missing ng Regal Entertainment na kabilang sa cast si Miles, huh!
Ito ang nag-iisang horror movie sa summer fest na mapapanood sa April 11. Kinunan ito sa Japan at co-stars niya sina Ritz Azul at Joseph Marco.
Base sa line up, may entry din sina Nora Aunor, Dingdong Dantes, at Coco Martin.
Pahulaan kung aling entry ang magiging topgrosser lalo na’t walang entry sina Vic Sotto at Vice Ganda.
I-FLEX
ni Jun Nardo