Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Itinapat sa FPJ’s Ang Probinsyano… GMA shows hindi umubra kay Coco Martin, bagong serye atras na naman ng timeslot

EAT your heart out, at kahit anong paninira at inggit niyo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” hindi kayo magtatagumpay na pabagsakin ang bida at director ng action-drama series na si Coco Martin.

FYI, mahigit sa sampung teleserye na ang pinalamon niya ng alikabok sa bagsik ng taas ng ratings ng kanyang series na still ay itinuturing na number show sa buong bansa. Alam naman kasi ng lahat ng mga supporters ni Cardo (Coco) na pawang paninira at fake news ang isyung ipina­pakalat sa kanilang idolo kaya’t hindi nila ito pinaniniwalaan.

Kahit nga sina RP at Mocha Uson ay pinag­tatawanan ng supporters ni Coco at never silang pinatulan ng ABS-CBN Primetime King and Teleserye King.

Well malaking factor, na kahit mahigit 4 years na sa ere ang Ang Probinsyano ay hindi lumaylay kailanman ang kuwento nito. Saka lahat ng mga idinadagdag na character ay bagay sa mga aristang kinuha ni Coco at ng Dreamscape Entertainment.

Sa taas ng ratings na nangunguna sa 10 Most Watched Shows in the Philippines, ay malabong magpaalam sa ere ang nasabing serye na ang latest ay sumuko na naman sa kanila ang katapat nilang Anak Ni Waray, Anak Ni Biday.

Yes pinakakain kasi gabi-gabi ng alikabok sa ratings ni Cardo sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Snooky Serna at Dina Bonnieve. Nasa 35% pataas ang rating ng Ang Probinsyano.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …