LUTO, linis ng bahay, at alaga ng anak. ‘Yan ang naging mundo ni Nathalie Hart sa India at Austria nang talikuran ang showbiz nang magpakasal sa isang Indian at manganak.
“Mabaliw-baliw ako!” bulalas ni Nathalie nang makausap ng press kamakailan.
Bumalik siya sa showbiz dahil gusto niyang magtrabaho.
“I was very lucky dahil kahit may anak na ako, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho. Nagulat din ako. Puwede pala,” saad pa niya.
Wala na siyang feelings sa asawa?
“For now, kahit magkaroon siya ng ibang babae, wala akong pakialam! As in bahala siya.
“Ganoon pala kapag nawalan ka ng gana. Hindi naman sa mabilis. Maraming nangyari sa amin. Maraming issues, cultural differences pero hindi ko na kailangang sabihin pa,” tugon ni Nathalie.
Baka naman bnubugbog siya?
“Hindi naman. Hindi naman. Pero I don’t like ‘yung siguro, hindi kami nagkakaintindihan in terms of naging trabaho ko rito sa Pilipinas.
“They think mababa ang ginagawa ko rito. Kung nakilala mo ako na ganoon, you have to accept me. Hindi ‘yung ikakasal na tayo, kung kailan tayo nagkaanak, doon mo binaligtad!
“‘Yung issue niya sa akin was my job! Ayaw niya akong magpaseksi, hindi marangal!” deklara ni Nathalie.
Ngayong aktibo muli sa showbiz, tatlong movies ang ginagawa niya sa Viva Films. Ito ay ang Kungyai Mahal Kita with Ryza Cenon at Joseph Marco, Pakboys with Andrew E at Janno Gibbs, at ang isinu-shoot ngayon niya sa Japan na Steal.
I-FLEX
ni Jun Nardo