Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

CP technician pinagbabaril sa loob ng bahay

PATAY ang isang cellphone technician nang pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng dalawang lalaking  kapwa nakasuot ng bonnet sa harap ng kanyang misis, sa Quezon City, nitong LInggo ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang biktimang si Juanito Soledo, 33, at naninirahan sa Area 6, Scandinavian St., Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Sa inisyal na ulat ni P/SSgt. Zaldie Notarte ng Batasan Police Station (PS6) – Tactical Operation Unit (TOC), dakong 2:30 am nitong 1 Marso, nakarinig ng sunod- sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay  ng biktima.

Ayon sa misis ng biktima na kinilalang si Gina, nasa kahimbingan siya nang pagkakatulog sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan nang marinig niya na sumisigaw at humihingi ng saklolo si Juanito.

Nakita niyang pilit na dinadaganan ng katawan ni Juanito ang kanilang pintuan habang ang nasa labas namang dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet ay pilit na itinutulak ito kaya tinulungan niya ang mister na harangan ang pinto.

Ngunit malakas ang mga suspek kaya bahagyang bumukas ang pintuan at nang masilip ng mga naka-bonnet ang kaniyang mister ay saka pinagbabaril.

Sa takot ni Gina, nagtatakbo siya sa loob ng kanilang tahanan upang magtago, at nang masigurong wala na ang mga suspek ay saka lumabas at bu­mungad sa kanya ang duguan at nakabulagtang mister.

Masusing iniim­bestigahan ng pulisya ang in­sidente upang kilalanin ang mga suspek.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …