HINDI pabor si Senate President Vicente Sotto III na maghain ang senado ng Concurrence Senate Resolution na naglalayong bigyan ng provisional authority ang National Telecommunication Commission ( NTC) para makapag-isyu ng provisional permit to operate ang ABS-CBN hangga’t hindi pa naaaksiyonan ng kongreso ang franchise bill ng naturang network.
Ito ang naging reaksiyon ni Sotto sa panawagan ng NTC na maghain ng concurrence resolution ang senado na agad tinugunan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na naghain ngayong araw.
Ayon kay Sotto, imbes concurrent resolution, mas makabukabuting maghain ng panukalang batas ukol dito.
Buwelta ni Sotto sa NTC, bakit ipinapasa sa kanila ang obligasyon na maaaring ang NTC ang mag-isyu ng temporary permit to operate na nagawa na noon.
Ukol naman sa inihaing resolusyon ni Drilon, sinabi ni Sotto na kanya muna itong pag-aaralan at pag-uusapan ng mga kasamahang senador sa kabila na nagpahayag na mas makabubuting maghain ng Senate bill imbes resolution.
Magugunita, noong nakaraang pagdinig, mismong si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ay hinikayat ang senado na maghain ng concurrence resolution na naglalayong bigyan ng provisional authority ang NTC.
(CYNTHIA MARTIN)