Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Pia, nasugatan sa shooting ng pelikula nila ni Vhong

NASUGATAN sa kanang bahagi ng noo niya si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil sa shooting ng pelikula kasama si Vhong Navarro mula sa Black Sheep.

Nag-resume na ang shooting nina Vhong at Pia pagkalipas ng ilang buwang tengga dahil laging wala sa bansa ang dalaga kaya nahihinto bukod pa sa nirebisa ang script.

Ipinost ni Pia ang litratong may sugat siya sa IG, “I’m not hurt! But Sandra is Back in Manila and back at work shooting for our movie with @black_sheepph. It took some time to get started again but we’re sooo back and ready to do this! Right, Biboy? @vhongx44.  I’ll be sharing more about this movie and the role I play as we continue shooting in the next coming weeks. Stay tuned!”

Minamadali na ang pelikula nina Vhong at Pia dahil sa Mayo na ang playdate nito na may working title na Sayco (Psycho) handog ng Black Sheep mula sa direksiyon ni Randolf Longjas.

Sa Marso na lalabas ang Mega Magazine na cover si Pia na kinunan sa Rio de Janeiro, Brazil na roon din nag-pictorial sina James Reid at Nadine Lustre na labas ngayong Pebrero.

Samantala, may milk tea business pala si Pia kasama ang mga kaibigang sina Pauleen Luna at Nina Almoro kaya Bestea ang pangalan na nasa Festival Mall, Alabang at dahil maraming nakatikim na nito at masarap ay maraming nagtatanong kung maglalagay ng branch sa bandang Quezon City.

Tikom naman ang bibig ng ex beauty queen tungkol sa kanyang lovelife.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …