Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Ginang todas sa matarik na overpass

NAMATAY ang isang ginang nang umakyat sa matarik na overpass sa Barangay San Bartolome, Quezon City, nitong Miyerkoles ng tanghali.

Sa inisyal na report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 12:00 ng tanghali, kahapon, nang matag­puan ang bangkay ng hindi pa kilalang ginang na tinatayang nasa edad 50-55 anyos, may taas na 4’9, nakasuot ng black and white stripe long sleeves at  printed leg­gings sa overpass sa Quirino Highway malapit sa San Bartolome Ele­men­tary School, Barangay San Bartolome.

Nagbabantay sa barangay outpost ang tanod na si  Apolinario Llaguna nang may nag-report sa kaniya na may isang babae ang tila naghihingalo sa overpass.

Agad ipinagbigay alam ng tanod sa pulisya ang insidente ngunit pagdating sa lugar ay wala nang buhay ang ginang. Walang nakitang sugat o pinsala sa katawan ng ginang kaya hinihinalang nahapo sa pag-akyat sa overpass, nahilo o inatake at saka tuluyang natumba.

(A. DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …