Saturday , November 16 2024

Wala nang ibebentang pag-aari ng Maynila — Isko… ‘Privatization’ sa panahon ni Yorme tinuldukan

TINIYAK ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na tuldukan na ang “privatization” sa mga pasilidad na pag-aari ng lokal na pama­halaan ng Maynila.

Napagalaman ni Mayor Isko, tila walang napapala sa privatization bagkus ay nagdudulot ng pagkatalo at kawalan sa panig ng lokal na pamahalaang lungsod.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng alkalde na kani­lang itutuloy ang kam­pan­ya sa kalinisan par­tikular sa mga pam­publikong palengke para mas maging kaaya-aya ang pamilihan ng raw foods.

“Libagan, sabunan at i-deodorize natin ang ating mga pamilihang bayan. Alisin natin ang lansa at mga ‘di kanais-nais na amoy,” pahayag ni Mayor Isko.

“Walang mapa-privatize sa panahon ko. Tapos na ‘yung panahon na pati mga palengke pinagkakakitaan,” dagdagng alkalde.

Ayon kay Mayor Isko, maraming pobreng vendors ang naging biktima ng isinagawang privatization kaya marami sa kanila ay napilitang magtinda ng kalakal sa lansangan habang ginagawa ang isinapribadong palengke, ngunit hindi na nakabalik dahil sa mahal na upa, bagay na ayaw mangyari ng alkalde sa kanyang panahon.

Pahayag ni Isko, dapat mabantayan ang interes at kapakanan ng pobreng vendors.

Biktima umano ng injustice ang mga vendors dahil sa mga kamay ng mga taong nakakuha ng ganansiya sa privati­zation ng mga palengke sa mga nakaraang adiministrasyon.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *