PRESENT si Robin Padilla sa ginanap na Senate hearing noong Lunes kaugnay ng renewal ng franchise ng ABS-CBN.
Narinig ni Robin ang statement ni Senator Bong Go tungkol sa atraso ng network kay P-Digong lalo na sa lumabas na black propaganda noong 2016 election.
Bukod sa paghanga kay Sen. Go, ikinatuwa rin ni Robin ang pagiging mapagkumbaba ni Carlo Katigbak, President ng ABS-CBN.
Bahagi ng post ng action idol sa kanyang Instagram, ”Ako naman ay nagpapasalamat sa Panginoongg Dios at umabot sa pagpapakumbaba si Sir Carlo Katigbak ng abs cbn dahil sa dami ng depensa ng mga opsisyal ng abs cbn isa lang muna po ang data umamin sa pagkakamali dahil tunay na black propaganda ang iniabass nila laban kay Rodrigo Duterte kayat isang awit ng mga anghel sa pandinig ko ang marinig ang public apology ng president at ceo ng abs cbn.”
Wish ni Binoe sa susunod na hearing ay matalakay ang karapatan ng maliliit na manggagawa ng network.
Wala si Coco Martin sa hearing na naganap.
I-FLEX
ni Jun Nardo