Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco ipinagtanggol ng mga katrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano sa isyu ng basaan sa set (Binoe kailangan daw mag-soul searching)

Ano kaya ang motibo ni Robin Padilla at kailangan i-drag ang pangalan ni Coco Martin na iniidolo pa naman siya at nagpakuha pa noon ng picture sa kanya. Ginawa talagang big deal ni Robin ang isyu ng basaan sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at agad hinusgahan si Cardo nang hindi muna inaalam ang totoong kuwento.

Ngayon in defense of Coco ay nagsalita na ang mga kasamahang artista ni Coco, mga tao sa production ng Ang Probinsyano at fans ng actor ukol rito na biruan lang sa set ‘yung basaan na ‘yan na ginawang pang-welcome sa mga baguhang pasok sa show. Lambing ;yun ni Coco sa mga katrabaho din na dapat bilisan ang trabaho para maagang matapos ang taping at ayaw ng actor-director na napupuyat ang mga kasama nilang mga bata at beteranong artista partikular na si Ms Susan Roces.

Saka baka hindi alam ni Binoe na kabibigay lang ni Coco ng 12 brand new pedicabs sa crew ng kanyang pinagbibidahang serye. May narinig kaming komento na siguro kaya idinadawit ni Binoe si Coco sa issue niya sa ABS-CBN, na butata siya, ay malaki ang inggit niya sa kapwa action star. Kasi aminin man sa hindi, si Coco ang tinitingala at iniidolo ngayon ng maraming Pinoy sa Filipinas at ibang bansa.

Kumbaga passé na o tapos na ang panahon ni Robin kaya siguro nag-iingay. Saka ‘di ba, dapat ikatuwa ni Binoe ‘yung ginagawang pagtulong ni Coco sa mga artistang hindi na kinukuha sa TV at pelikula na ginawa rin noon ng mga big names in action and comedy movies na sina Fernado Poe, Jr., Rudy Fernandez, Dolphy, etc.

Naku, mukhang sila dapat ng kaalyado niyang si Sen. Allan Peter Cayetano ang dapat na mag-soul searching at parehong humihiwalay ang diwa nila kaya kung ano-ano na lang ang lumalabas sa kanilang mga bibig!

Saka artista ba si Binoe at mukhang dahil walang ginagawa ay maraming time sa social media, unlike Coco na busy sa kanyang career at pagpapasaya sa kapwa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …