Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Lloydie magkaibigan lang

BINIGYAN ng malisya ng netizen ang pagkikita nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo last Feb 15 sa Tower One sa Ayala, Makati para sa live script reading ng pelikulang “That Thing Called Tadhana” na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Well hindi porke’t inimbita ni Bea ang favorite leading man na si Lloydie at single silang pareho ay interesado na siya sa aktor. Oo naman, ang guwapo ni John Lloyd at marami na silang pinagsamahan pero, mukhang friends lang talaga ang turingan ng dalawa sa isa’t isa.

At saka malay natin kung totoo ‘yung kina Bea at Dominic Roque na matagal na rin naiuugnay kay Bea kaya lang walang kompir­masyon kung talagang magkarelasyon ang dalawa.

Samantala excited na ang maraming fans ng Lloydie-Bea love team sa maugong na balitang muling magsasama ang mga idolo nila sa Star Cinema movie na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Sabi, ito raw ang huling movie na gagawin ni Direk Cathy bago siya mag-retire at mag-migrate sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak at love. Well baka rito na uli makabawi sa kanyang career si John Lloyd.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …