Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane Oineza at RK Bagatsing, humabol sa love month para sa hugot love story movie nilang Us Again

UMANI agad ng almost 2 million views ang official trailer ng Us Again na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Sobrang hugot naman kasi ng pahabol na valentine offering ng Regal Entertainment, Inc., sa love month at siguradong makare-relate rito ‘yung mga complicated ang lovelife tulad ng character ni Jane bilang si Marge, na na-inlove sa may minamahal nang si Mike (RK Bagatsing).

At ‘yung para kay Marge na one huge mistake of a night ‘yung pakikipag-lovemaking kay Mike kinabukasan ay balik na sa normal na hindi pala dahil mahal niya si Mike pero behind her back nakokonsensiya siya dahil mayroon silang nasasaktang si Ann na ginagampan ng bagong Regal baby na si Sarah Edwards.

Si Ma’am Roselle Monteverde ang naka-discover kay Sarah kaya nakapasok siya sa Regal. Itong Us Again, ang unang major film ng director na si Joy A. Aquino pero kapag napanood mo ang film trailer ng Valentine’s offering ng Regal, ay mapapahanga ka sa galing at husay niya sa pagdidirek. At ang ganda ng mga shot niya kina Jane at RK na parehong mahuhusay na actor. Kasama rin sa Us Again si Bidaman Jin Macapagal at kapwa Bidaman na endorser ng Jolibee na si Miko Gallardo.

Ang popular na JBK ang kumanta ng theme song ng movie na Maibalik at kinanta ito ng grupo sa mismong mediacon ng Us Again na ginanap kamakailan sa #38 Valencia Events Place.

Kayo naranasan n’yo na bang magmahal nang mali? Ang kasagutan ay malalaman ninyo kina Marge at Mike.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …