Wednesday , December 25 2024

Mga testigo ihaharap sa Kamara — solon… Ebidensiya vs Primewater matibay

TINIYAK ng Makabayan bloc na mayroon silang matitibay na ebidensiya at mga testigong handang humarap sa House of Representatives sa oras na gumulong ang imbestigasyon sa sinabing maanomalyang takeover ng Villar-owned Primewater Infrastucture Corporation sa ilang local water districts sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang mga resource person at mga testigong kanilang ihaharap ay kinabibilangan ng mga empleyado na nawalan ng trabaho, mga con­sumer na nagrereklamo sa palpak na serbisyo ng Primewater at mga opi­syal ng mga water district na magpapatunay na ini-railroad at may ire­gularidad sa pinasok na Joint Venture Agreement (JVA) ng Prime Water sa Local Water Utilities Administration (LWUA) kaya nagawang i-takeover ang local water districts (LWD) sa iba’t ibang bayan sa bansa.

“Kapag gumulong na ang imbestigasyon, isa-isang malalantad sa mata ng publiko ang sweetheart deals ng Primewater,” pahayag ni Gaite.

Kasabay nito, pina­kikilos ng Makabayan bloc ang lliderato ng Kamara na aksiyonanan ang kanilang inihaing resolu­syon na nakabinbin nga­yon sa House Committee on Government Enter­prises and Privatization na humihiling na mag­sagawa ng House inquiry laban sa Primewater na pagmamay-ari ng bil­yonaryong mag-asawang sina Sen. Cynthia at Manny Villar.

Sa inihaing House Resolution No. 10 ng Makabayan Bloc na kinabibilangan nina Bayan Muna Rep. Gaite, Rep. Carlos Isagani Zarate, at Eufemia Caramat; ACT Teacher party-list Rep. France Castro; Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, pinasisilip nila ang mga JVA na pinasok ng Primewater dahil may mga pagtutol sa 25-taong kasunduan ngunit natuloy pa rin ang public-private partner­ships sa LWDs.

Isa sa inihalimbawa ng Makabayan bloc ang JVA ng Primewater sa San Jose del Monte City Water District na mahigpit na tinututulan ng consumers group na Alliance for Consumers Protection at mga residente dahil tataas hanggang P500 ang singil sa tubig sa pag-takeover ng Primewater gayong ang dati lamang binabayaran ay P280 kada buwan bukod pa rito ang reklamo sa mababang kalidad ng tubig at kakulangan ng supply.

Gayondin ang kawa­lan ng konsultasyon sa pag-takeover ng Prime­water sa Bacolod City Water District na nag­resulta sa pagkawala ng trabaho ng may 300 empleyado nito.

Sinabi ni Gaite, hindi dapat magkibit-balikat ang mga mambabatas sa reklamo ng mga consumer laban sa Primewater dahil karapatan ng bawat isa na magkaroon ng mura, malinis at sapat na tubig at sanitasyon alinsunod sa itinatakda ng United Nations Committee on Economic, Social and Cultural Rights.

Ang interes umano ng mga consumer ang dapat mangibabaw at hindi ang interes ng mga negosyante gaya sa kaso ng Prime­water na nagawang i-takeover ang operasyon ng may 70 water districts sa maikling panahon.

Sa kasalukuyan, ang Primewater ay nag-o-operate sa 16 rehiyon, 36 probinsiya, at 125 muni­sipalidad at siyudad gayong dati ay sineser­bisyohan lamang nito ang real estate projects ng mga Villar.

Sa Senado, may kaha­lintulad na panawagan si Sen. Richard Gordon na imbestigahan ang LWUA sa naging aksiyon nito na isapribado ang mga water district na ang kontrata ay nakopo ng Primewater.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *