Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kervin at Kenneth Sawyer hindi susukuan ang career hangga’t hindi nagtatagumpay

Parehong confidence sa kanilang singing career ang Sawyer brothers na sina Kervin at Kenneth at hindi sila titigil sa paggawa ng sarili nilang mga kanta na kanilang inire-record hangga’t wala silang hit na kanta sa market.

Well tama naman ang paniniwala ng magkapatid na singer, dahil marami tayong sikat na artists ngayon na bago nagtagumpay ay ilang taon ang binilang bago makausad sa kanilang mga karera. Saka in terms of potential ay mayroon ang Sawyer brothers kaya right song lang ay tiyak na papatok sila.

Ang maganda ay hindi nawawala ang suporta ni Dovie San Andres kina Kervin at Kenneth at plano ni Dovie na isama sila sa concert na ipo-produce niya pag-uwi ng Filipinas ngayong 2020.

By the way, happy pala ang Sawyer brothers at parami nang parami ang mga nagkakagusto sa kanilang single na “Ghosting” at lalo raw dumami ang followers ng dalawa sa kanilang social media account lalo sa kanilang official Facebook account.

‘Yung naunang single na 45 (Kwarenta Singko) ay paborito na rin pakinggan sa abroad. Samantala nang malaman ni Kervin na dinale ng bronchitis ang isa sa kanilang supporters na si Dovie, sampu ng kanyang pamilya ay agad silang nagpakita ng concern na ikinatuwa naman si Ms. San Andres.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …