Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yam Concepcion perfect replacement sa inayawang challenging character ni Erich Gonzales sa Love Thy Woman

SIGURADONG paghihinayangan ni Erich Gonzales,ang pagtanggi niya sa character ni Dana na gagampanan sana niya sa Love Thy Woman na mapapanood na simula ngayong 10 Pebrero (Lunes) sa ABS-CBN Kapamilya Gold bago mag-Sandugo.

Lalo na kapag napanood ni Erich ang portrayal ni Yam Concepcion na pumalit sa kanyang role. For us, perfect o fitted talaga for Yam na siya ang gumanap na anak ng bilyonaryong Chinese businessman na si Adam Wong (Christoper de Leon ) at Lucy (Eula Valdez).

In fairness, hindi black ang character ng actress na biktima ng situwasyon sa pagkahumaling niya sa mister na si David (Xian Lim).

Bida-contravida siya rito na mabait sa una, pero sa huli ay tulad ng kan­yang mother na si Lucy ay aapihin ang half sister na si Jia (Kim Chiu) dahil sa maling akala na inahas si David sa kanya.

Intense na intense ang acting ni Yam sa ba­wat eksena at kaabang-abang ang magiging banggaan nila ni Kim sa bago nilang teleserye sa Dreamscape Entertain­ment.

Sa special screening ng Love Thy Woman, nakatanggap ang buong cast ng matinding palakpakan, ibig sabihin ay napakaganda ng obrang ito ng Dreamscape na idinirek ng tatlo sa mahuhusay na Kapamilya directors na sina Jeffrey Jeturian, Jerry Lopez Sineneng at Andoy Ranay.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …