USO ba talaga ang layasan ng talent, at matapos maibalita na umalis na sa Viva Artists Agency si Nadine Lustre ay si Myrtle Sarrosa naman daw ang nagbabu kamakailan sa Star Magic na nag-handle ng career ng sexy actress nang mahabang taon.
Well ang pagkakaiba nina Nadine at Myrtel ay tapos na ang kontrata ng huli sa Star Magic na nagbigay sa kanya ng magagandang break samantala si Nadine ay valid o existing pa ang 8-year contract sa Viva na as we heard ay nakatakdang sampahan ng kaso ng Viva Artists Agency kapag hindi nakipag-usap ang morenang aktres kay Boss Vic del Rosario.
Going back to Myrtel, bulong ng isang source ay lumipat na raw sa GMA at nakatakdang gumawa ng teleserye. At hindi lang sa teleserye magiging busy ang actress dahil nag-commit na siya sa Borracho Film Production ng friend niyang si Atty. Ferdinand Topacio para sa Mamasapano movie na “26 Hours” na malapit nang mag-shooting sa Baguio.
Bale field TV reporter ang magiging role ni Myrtel sa nasabing pelikula na tatampukan rin nina Edu Manzano at Ritz Azul.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma