Thursday , December 19 2024

‘Komisyoner’ sa maralita… Nanghihingi ng ‘picture’ isumbong kay Isko

HUMIHINGI ng tulong si Mayor Francisco “Isko” Domagoso sa mga Manileño upang tuluyan nang matuldukan ang mga ‘enterprising individuals’ na nagpapahirap sa maralitang taga-lungsod.

Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Isko ang mga residente ng lungsod na agad ipaalam sa kanya ang mga tinaguriang ‘Eddie’ at ‘Patty’ na tila mga ‘komisyoner’ na nanghihingi ng komisyon o ‘picture’ sa mga  pinagkakalooban ng  financial assistance ng lokal  na pamahalaang lungsod.

Sa talumpati ni Mayor Isko sa pamamahagi ng financial assistance sa mga estudyante ng public schools at pamilya na nangangailangan ng puhunan para sa pagsisimula ng sariling negosyo, lubos niyang ikinalulungkot ang mga ulat kaugnay sa  patuloy na pagsasamantala ng mga ‘enterprising individual’ sa mga mas nakarararaming mahihirap na tagalungsod.

Pahayag ni Isko sa harap ng mga estudyante at mga magulang, ”Sikat na sikat sina Eddie at Patty sa Maynila. Kahit saang sulok, kahit anong sector, unti-unti kong nabubuksan ‘yung mga lumang baul…lahat ng baul nabuksan ko, mayroon lagi para kay ‘Patty’ mayroon lagi para kay ‘Eddie.’

Nakarating kay Mayor Isko ang ulat mula kay Manila social welfare department chief Re Fugoso patungkol sa ilang mga tiwaling indibiduwal na lumalapit sa beneficiaries ng city government financial assistance at nag-aalok ng tulong na mapasama o malagay sila sa listahan ng mga tatanggap ng financial assistance kapalit ng kalahati ng halagang makukuha ng benipisaryo.

Hinihikayat nina Isko at Vice Mayor Honey Lacuna ang publiko na tulungan sila upang maproteksiyonan ang pondo ng lungsod laban sa mga mapagsamantalang tinagurian nilang ‘enterprising individuals.’

“Lahat ng financial assistance na ito ay para sa inyo.  Pera ito ng taong bayan na ibinabalik sa inyo through services. Iniingatan ko lagi ang pananalapi ng taong bayan para maibalik ang puri sa mamamayan. Tulungan ninyo ako na patuloy kayong proteksiyonan dahil pinipilit kong maging masinop,” ani Moreno.

“Walang ‘picture-picture.’ Malalaman ko ‘yan dahil tsismoso ako. Sumbong n’yo sa akin,” giit ng Alkalde.

Sinabi ni Isko, ang lahat ng listahan para sa financial assistance distribution ay base sa verification at counter-verification ng mga kinauukulang opisyal kaya ‘yung mga karapat-dapat na mga residente ang makakatanggap ng benipisyo. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *