Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JoWaPao best male TV host sa 51st Box Office Entertainment Awards (Bossing Vic Sotto at Joey De Leon hindi kinakalawang sa husay sa pagho-host)

Mahigit apat na dekada na ang Eat Bulaga sa telebisyon at pansinin ninyo hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakalawang sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon sa pagho-host ng iba’t ibang segment ng kanilang noontime show lalo sa Bawal Judgemental.

Yes bukod sa kanilang galing at pagiging funny, kapwa mahusay sina Bossing Vic at Joey sa kanilang adlib. Iba talaga ang mga host noon na tulad nila na nahasa nang todo.

Ang isa pang kabibiliban sa dalawa ay never silang nagkawatak at kung wala lang sa mundo ng politika si Senator Tito Sotto, siguradong araw-araw din natin siyang mapapanood sa Bulaga.

Pero tuwing may espesyal na okasyon o anibersaryo ng kanilang show ay always present naman si Tito Sen.

Siyempre bukod kina Tito, Vic and Joey ay pawang mahuhusay rin ang kanilang co-EB Dabarkads at congrats sa JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo) sa pagkakahirang sa kanilang Male TV Host of the Year sa 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …