NAIS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ganito ang muling mangyari sa kanyang panahon ng panunungkulan sa lungsod ng Maynila.
Kasabay ito ng paghikayat ni Isko sa mga opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) na maibalik ang respeto ng mamamayan sa mga pulis tulad noong mga naunang panahon.
Ito ay pahayag Mayor Isko sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga opisyal at tauhan ng MPD sa ginanap na programa kahapoon ng umaga sa 119th Founding Anniversary ng MPD sa Headquarters.
“Gusto nating makita iyong panahon na iginaalang at hindi kinatatakutan ang mga pulis Maynila na aking kinagisnan,” ani Isko.
“Pag dumating na ‘yung mga lespu, nasa ledgi na kami at pagdating ng gabi uwi na kami,” ayon pa kay Isko.
Naniniwala rin ang alkalde, sa patuloy na internal cleansing ng apulisya ay hindi na dapat maging hadlang ang mga tiwaling pulis para makuha ang respeto ng publiko.
“Kailangan magkaroon ng malinis, maaliwalas at panatag ang lungsod ng Maynila. Dapat ay magalang desidido, diplomatiko pero may sundot, saan sila nakakita na bago ka hulihin ay pinagsasabihan natin. Kahit mahaba ang pasensiya ko hanggang pangasinan, pero me tuldok ‘yan,” dagdag ni Moreno.
Kaugnay nito, muling Nananwagan si Isko sa lawless elements and criminals at wanted persons na magbago at magpalit ng address dahil hindi sila welcome at hindi sila titigilan ng mahabang kamay ng batas sa Maynila.
Nabatid Kay Moreno na isang makabago at magandang gusali ang planong ipagawa para sa MPD sa mga susunod na taon.
(BRIAN BILASANO)