Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dati nang mahusay… Kim Chiu level up ang pagiging actress sa “Love Thy Woman”

MATAPOS ang mahigit tatlong taon ay balik tambalan sina Kim Chiu at Xian Lim sa “Love Thy Woman” na mapapanood na simula 10 Pebrero sa Kapamilya Gold.

At sa grand mediacon ng bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment ay pinuri ng isa sa director ng serye na si Jerry Lopez Sineneng si Kim na napahanga raw siya sa performance na ibinigay ng actress sa eksenang kinunan.

Ibig sabihin ay mas lalo pang nag-level-up ang acting ni Kim sa pinagbibidahang Love Thy Woman na isang family drama na iikot kay Adam Wong na gagampanan ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon, ama ni Kim sa soap.

Dalawang pamilya ang maglalaban para sa pag-ibig sa pinakabagong teleserye na star-studded cast na kinabibilangan rin nina Eula Valdes, Sunshine Cruz, Zsazsa Padilla, at Ruffa Gutierrez.

Ito ay istorya ng isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam (Christopher) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya – ang unang asawang si Lucy (Eula) at anak nilang si Dana (Yam), at ang pangalawang asa­wang si Kai (Sunshine) at anak niya ritong si Jia (Kim).

Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patu­loy pa rin ang alitan sa pagitan nila at maaa­pektohan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.

Isang gabi ang wawasak sa pamil­yang Wong dahil maaak­si­dente si Dana at ang asawa niyang si David (Xian) sa gabi ng kanilang kasal, at malalagay sa coma si Dana. Habang hini­hintay nilang magising si Dana, mabububuo naman ang mas malalim na rela­syon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan.

Anong mga tagpo ang maghihintay sa paggising ni Dana? Hanggang kailan kayang pumagitna ni Adam sa pagsasama ng dalawa niyang pamilya? Ang “Love Thy Woman” ay mula sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian, Andoy Ranay, at Jerry Lopez Sineneng.

Mapapanood din dito sina Jana Victoria, Jennifer Sevilla, Chienna Filomena, China Yoo, David Chua, Shido Roxas, Tim Yap, Kimberly Tan, Mari Kaimo, Tori Garcia, Turs Daza, at Karl Gabriel.

Panoorin ang “Love Thy Woman” ngayong Feb 10 sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …