Live naming napanood ang Eat Bulaga noong Miyerkoles, at ang sarap panoorin na muling nagkasama ang father and daughter na sina Bossing Vic Sotto at Danica na anak niya kay Dina Bonnevie.
Si Danica kasi ang guest celebrity judge nang araw na iyon sa “Bawal Judgemental” na iniho-host ng kanyang Daddy. Bago kumanta ay nag-dialogue si Danica na “mana-mana” na ang ibig sabihin ay mana siya kay Bossing sa pagkanta.
In fairness, ang ganda ng version niya ng “Kailan” na pinasikat ni Geneva Cruz at applauded si Danica na halos perfect ang naging sagot sa mga pinahulaan sa kanya sa Bawal Judgemental na ang grupo ng mga guwapong pulis at security guard ang guest judgementals.
Palong-palo ang mga naging sagot ni Danica na nakapag-uwi ng P40K at isa siya sa mga artistang nanalo ng malaking halaga sa nasabing segment na patok kahit saan.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma