NALITSON nang buhay ang 65-anyos lola habang dalawang paslit na Maria ang nilamon ng apoy sa mga sunog na naganap sa Quezon City at lungsod sa Tagbilaran, nitong Linggo ng gabi.
Iniulat na tatlo ang sugatan nang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.
Kinilala ni Maj. Gilbert Valdez, Deputy Fire Mashal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City ang namatay na si Angelita Unite, nakatira sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo sa lungsod.
Tatlo katao ang naitalang nasugatan na kinilalang sina Fr. Jie Die, 63; Manny Vilien, 48, at John Regalado, 4 anyos.
Sa imbestigasyon ng BFP, nabatid na ang sunog ay sumiklab dakong 6:00 pm, 19 Enero, sa ikatlong palapag na tahanan ng isang Crisanta Padilla.
Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umakyat sa ikalimang alarma at nagtagal nang dalawang oras bago tuluyang naapula ganap na 8:00 pm.
Ayon sa report, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.
Nasa 180 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na ngayon ay pansamantalang nananatili sa covered court ng barangay.
Agad namahagi ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga nasunugan.
ni ALMAR DANGUILAN
2 PASLIT
NA MARIA TODAS
SA KANDILA
TAGBILARAN CITY — Dalawang batang babae na magkapatid, ang namatay sa sunog na lumamon sa mga kabahayan sa bayang ito nitong nakaraang araw ng Linggo.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Mary Jade Arayan, 8 anyos, at Mary Joy Arayan, 5.
Ang nakatatandang kapatid na si Mary Jane, 9, ay nakatakas sa naglalagablab na apoy.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Tagbilaran, ang mga bata ay iniwan sa bahay ng kanilang inang punapasok sa trabaho.
Naniniwala ang BFP na aksidente ang nangyaring sunog na maaaring nagsimula sa kandila.
Ayon kay Mary Jane, siya at ang kanyang mga kapatid nasa loob ng bahay nang bumagsak sa foam ang kandilang may sindi.
Aniya, wala silang koryente kaya kandila ang kanilang ginagamit.