Monday , December 23 2024
Eduardo Ano

Bugok na parak sinibak ni Año

BINALAAN ni Depart­ment of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga ‘bulok’ na pulis  na sangkot sa korupsiyon at talamak na bentahan ng ilegal na droga na kanyang sisipain sa  loob ng  Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Año, titiyakin niyang matatanggal mula sa PNP ang mga ‘bugok na itlog’ dahil sila ang nakasisira sa imahen ng pulisya.

“I will make sure the scalawags in the PNP organization are weed out. We will continue to do until the last scalawag is out. It is very important to get the trust and confidence of the public and we can only do so if we get rid of rotten eggs,” ani Año, kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang malinis muna ang PNP bago magtalaga ng bagong pinuno nito.

“The PNP is really doing good in its campaign against illegal drugs and criminality. Unfortunately may kaun­ting sumisira ng imahen at ito ang tatanggalin natin,” pagtitiyak ni Año.

Una nang inatasan ng pangulo si Año na panga­siwaan ang PNP habang mananatili muna si P/Lt. Gen. Archie Gamboa bilang officer-in-charge ng PNP.

Kompiyansa ang pa­ngulo na matutulungan siya ni Año sa paglilinis sa puwersa ng pulisya.

Direktiba ng Pangu­lo kay Año, tanggalin sa puwesto ang mga pulis na sangkot at may rekord nang pagkakasangkot sa ilegal na droga, ngunit dapat dumaan ito sa due process.

Nauna nang sinabi ni Año na nais niyang sa recruitment pa lamang ay simulan na ang paglilinis sa hanay ng pulisya.

Ipinag-utos niyang tiyakin ang mga “the best at brightest applicants” na may puso sa paglilingkod ang pupuno sa 17,000 vacancies sa PNP. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *