Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
IPINAKIKITA nina Bureau of Customs - Customs Intelligence Investigation Services (BoC-CIIS ) Director Neil Estrella, Manila International Container Port (BoC-MICP) District Collector Atty. Vincent Maronilla, at CIIS-MICP Intelligence Officer Teodoro Sagaral, ang P4.2 milyon halaga ng smuggled onions na nasabat sa Manila International Container Port. (BONG SON)

Marcos tutol sa pag-angkat ng pulang sibuyas

TUTOL si Senator Imee Marcos sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng mga pulang sibuyas dahil sa kakapusan ng supply nito sa bansa.

Nangangamba si Marcos na kapag bumaha ang imported red onion sa merkado ay maapektohan ang mga lokal na nagtatanim ng pangunahing sangkap na panggisa.

Aniya, sa Marso ay magsisimula nang anihin ang mga lokal na pulang sibuyas.

Sinabi ng senadora, maaaring hindi maibenta ang mga lokal na pulang sibuyas dahil sa mga mga inangkat na red onion.

Dagdag niya baka matulad ito sa ginawang pag-angkat ng imported rice noong nakaraang taon na hindi naman halos nagpababa ng presyo ng bigas sa bansa.

Nitong nagdaan Kapaskuhan pumalo sa P180 hanggang P240 ang kada kilo ng pulang sibuyas dahil kapos ang supply. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …