DALAWANG bala ng baril ang tumapos sa buhay ng lalaking natagpuang nakatali ang mga kamay sa Quezon City, nitong Lunes ng mada-ling araw.
Sa ulat kay Quezon City Police District (QC-PD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang biktima sa pama-magitan ng PhilHealth ID na nakuha sa kanya na si Rommel Fajutag, nasa hustong gulang, residente sa Gawad Kalinga, Happy Land, Vitas, Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Roldan Cornejo ng Criminal tigation and Detection Unit (CIDU), natagpuan ang bangkay ni Fajutag, dakong 1:30 am, kahapon sa Araneta Avenue, Brgy. Doña Imelda, Quezon City.
Sa rekord ng Galas Police Station 11, isang tawag ang natanggap nila mula sa isang con-cerned citizen tungkol sa isang duguang lalaki sa lugar. Agad nagresponde ang mga pulis, at tumam-bad ang bangkay ng bik-tima na nakatali ang dala-wang kamay at may dala-wang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng doon binaril ang biktima dahil may dalawang basyo ng bala na nakuha ang SOCO team na pinamumunuan ni P/Lt. John Agtarap sa lugar. Noong 23 Dis-yembre, may natagpuan din bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa ulo at nakatali ang mga kamay at paa, apat na metro ang layo mula sa kinatagpuan kay Fajutag.
(A. DANGUILAN)